Pasok sa local government office sa San Juan City half-day lang ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 10:35 AM

Nagdeklara na rin ng half-day work sa San Juan City ngayong araw ng Lunes, Dec. 23.

Sa memorandum ni San Juan City Mayor Francis Zamora, hanggang alas 12:00 ng tanghali na lang ang pasok sa Citiy Government ngayong araw.

Ito ay para mabigyang pagkakataon ang kanilang mga empleyado na makapiling ng mas mahabang oras ang kanilang pamilya.

Tuloy naman ang culminating activities ngayong araw sa Pinaglabanan Shrine.

Ang aktibidad na may titulong “Kultura at Sining sa Kapaskuhan” ay gaganapin alas 5:00 ng hapon.

Habang ang mga ahensya na ang tungkulin ay may kaugnayan sa basic at health services, preparedness at response ay tuloy ang operasyon at kailangang maglaan ng karampatang serbisyo.

TAGS: Half day work, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, San Juan City, Tagalog breaking news, tagalog news website, work suspension, Half day work, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, San Juan City, Tagalog breaking news, tagalog news website, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.