Trabaho ng Kamara sa 2020 lalo pang pagbubutihin matapos makakuha ng mataas na ratings

By Erwin Aguilon December 23, 2019 - 09:31 AM

Matapos makakuha ng mataas na ratings si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pinakahuling Pukse Asia Survey Tiniyak ng liderato ng kamara na lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang trabaho sa susunod na taon.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang taumbayan na ang nagsalita na kuntento sila sa performance ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Natutuwa din ang mambabatas dahil ngayon ay napapansin at naa-appreciate na rin ng publiko ang hard work na ipinamamalas ng mga kongresista.

Sa ngayon aniya ay nakatutok sila sa Kongreso sa marching orders ng Presidente tulad ng pagpapasa ng mga mahahalagang panukalang batas na may kinalaman sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Romualdez, mananatili silang magtatrabaho ng masigasig sa Mababang Kapulungan at tutuparin ang papel na kanilang ginagampanan na magsilbi sa bayan.

Sa pinakahuling Pulse Asia Survey nakakuha si Cayetano ng 80% trust rating at 76% approval rating.

TAGS: House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, survey, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trust Rating, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, survey, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trust Rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.