State of emergency idineklara sa Rizal, Laguna matapos malason ang daan-daang katao dahil sa lambanog

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 07:23 AM

Nagdeklara na ng state of emergency sa bayan ng Rizal sa lalawigan ng Laguna.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng 8 katao matapos malason dahil sa pag-inom ng lambanog.

Mahigit dalawangdaan pa ang nasa mga ospital at ginagamot.

Ayon kay Rizal Mayor Vener Muñoz, sasagutin na ng lokal na pamahalaan at ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang gastusin sa pagpapaospital ng mga nalason.

Ipasusuri na sa Foor and Drug Administration ang sample ng lambanog na binili at ininom ng mga nabiktima.

Habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri, bawal muna ang pagbebenta at pagbili ng lambanog sa buong lalawigan.

TAGS: Inquirer News, laguna, lambanog, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rizal, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, laguna, lambanog, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rizal, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.