Pasok sa mga government office sa Pasig suspendido mula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw
Simula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw (Dec. 23) suspendido na ang pasok sa trabaho sa gobyerno sa Pasig City.
Ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga empleyado ng Pasig City Government na maipagdiwang ang Pasko kasama ang kanilang pamilya.
Regular naman na ang serbisyo sa Pasig City Government sa December 26 at December 27.
Maliban na lamang kung mayroong ipalalabas na work suspension ang Malakanyang para sa nasabing petsa.
Sa abiso naman ng Public Information Office ng Pasig City, ang mga tauhan City Hall na ang trabaho ay may kaugnayan sa basic services, health services, preparedness/responses at peace and order and security ay mananatiling tuloy ang operayson at kailangang magtalaga ng skeletal force.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.