13 sugatan sa pamamaril sa Chicago

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 06:42 AM

Sugatan ang labingtatlong katao sa pamamaril na naganap habang idinadaos ang ‘memorial’ para sa isang yumao sa Chicago.

Ayon kay Chief of Patrol Fred Waller, idinaraos ang memorial party nang makarinig ng sunud-sunod na putok.

Karamihan sa mga nasugatan ay nasa pagitan ng edad 16 hanggang 48 na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Dalawang katao naman ang dinala sa himpilan ng pulisya para sumailalim sa pagtatanong.

Ayon kay Chicago Mayor Lori Lightfoot, nakalulungkot ang pangyayari na nataon sa selebrasyon ng birthday ng isang taong yumao.

TAGS: Chicago, Inquirer News, memorial party, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shooting, Tagalog breaking news, tagalog news website, Chicago, Inquirer News, memorial party, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shooting, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.