Ayon kay Rizal, Laguna mayor Vener Muñoz, karamihan sa mga nabiktima ay dinala sa Metro Manila para malapatan ng lunas.
137 pasyente ang nasa Philippine General Hospital, 43 sa Rizal Medical Center sa Pasig at 47 sa East Avenue Medical Centrer sa Quezon City.
Umaapela naman si Muñoz sa mga mamayan sa bayan ng Rizal na makipag-ugnayan sa kanila dahil karamihan sa mga pasyente ay hindi pa nila natutukoy ang pagkakakilanlan.
Iikutin din ngayong araw ni Muñoz kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang tatlong pagamutan para maasistihan ang mga nasa ospital.
Nanawagan din ang alkalde sa iba pang residente na maaring nakainom ng lambanog na agad magpasuri kahit wala pang nararamdamang sintomas.
Ayon kay Muñoz mabuting magpatingin na sa duktor kaysa mahuli ang lahat.
Walo na ang naitalang nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog.
Iniutos na rin ni laguna Gov. Ramil Hernandez ang ban sa lambanog sa buong lalawigan bunsod ng insidente.