227 nalason sa lambanog sa Laguna ginagamot pa sa tatlong ospital sa Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 06:30 AM

Mahigit 200 pasyente pa ang nasa mga ospital sa Metro Manila matapos malason sa ininom na lambanog sa Laguna.

Ayon kay Rizal, Laguna mayor Vener Muñoz, karamihan sa mga nabiktima ay dinala sa Metro Manila para malapatan ng lunas.

137 pasyente ang nasa Philippine General Hospital, 43 sa Rizal Medical Center sa Pasig at 47 sa East Avenue Medical Centrer sa Quezon City.

Umaapela naman si Muñoz sa mga mamayan sa bayan ng Rizal na makipag-ugnayan sa kanila dahil karamihan sa mga pasyente ay hindi pa nila natutukoy ang pagkakakilanlan.

Iikutin din ngayong araw ni Muñoz kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang tatlong pagamutan para maasistihan ang mga nasa ospital.

Nanawagan din ang alkalde sa iba pang residente na maaring nakainom ng lambanog na agad magpasuri kahit wala pang nararamdamang sintomas.

Ayon kay Muñoz mabuting magpatingin na sa duktor kaysa mahuli ang lahat.

Walo na ang naitalang nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog.

Iniutos na rin ni laguna Gov. Ramil Hernandez ang ban sa lambanog sa buong lalawigan bunsod ng insidente.

TAGS: East Avenue Medical Center, Inquirer News, laguna, lambanog, PH news, Philippine breaking news, philippine general hospital, Radyo Inquirer, rizal medical center, Tagalog breaking news, tagalog news website, East Avenue Medical Center, Inquirer News, laguna, lambanog, PH news, Philippine breaking news, philippine general hospital, Radyo Inquirer, rizal medical center, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.