Oil price hike nakaambang ipatupad bukas, bisperas ng Pasko

By Rhommel Balasbas December 23, 2019 - 04:54 AM

Sasalubong sa mga motorista ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas, December 24, bisperas ng Pasko.

Ayon sa oil industry sources, higit piso ang posibleng madagdag sa diesel at kerosene o gaas habang posibleng wala namang paggalaw sa gasolina.

Maglalaro sa P1.10 hanggang P1.20 kada litro ang inaasahang taas-presyo sa diesel.

Ang presyo ng kada litro ng gaas ay posibleng madagdagan ng P1.00 hanggang P1.10.

Samantala, ang gasolina, posibleng hindi tumaas ang presyo o hindi kaya ay mabawasan ng hanggang P0.10 kada litro.

Ang taas-presyo sa diesel ay bunsod umano ng mas mataas na demand kaysa sa gasolina matapos ang kasunduan ng US at China gayundin ang tumaas na demand sa India.

Inaasahang mag-aanunsyo na ng oil price adjustments ang mga kumpanya ngayong Lunes.

TAGS: Big time oil price hike, oil industry, Oil price adjustments, oil price hike, oil price monitoring, Big time oil price hike, oil industry, Oil price adjustments, oil price hike, oil price monitoring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.