MMDA sinuspinde ang number coding para sa Pasko, New Year

Simula ngayong Lunes at sa iba pang araw ng Christmas holidays, suspendido muna ang pag-iral ng number coding ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay para sa pag-uwi ng libu-libong katao sa kanilang mga lalawigan para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa advisory ng MMDA, suspendido ang number coding scheme para sa private at iba pang public utility vehicles simula ngayong December 23 hanggang December 25, at mula December 30 hanggang January 1, 2020.

Para naman sa provincial buses, hindi iiral ang number coding mula rin ngayong araw hanggang sa December 27 at mula December 30 hanggang January 2, 2020.

Ang number coding scheme ay ipinatutupad para mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagbabawal ng mga sasakyan batay sa last digit ng plate numbers.

Read more...