Lambanog bawal muna ibenta sa Laguna

Matapos ang magkakahiwalay ng hinihilang pagkalalason sa lambanog ng halos 160 katao sa bayan ng Rizal, ipinagbawal ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang pagbebenta ng alak mula sa niyog sa lalawigan.

Sa inilabas na pahayag ni Hernandez sa kanyang official social media accounts, ang pagbabawal ay mananatiling epektibo habang iniimbestigahan ng awtoridad ang mga insidente.

Kasabay nito, nagpalabas na rin siya ng mensahe ng pakikiramay sa mg naulila ng mga namatay matapos uminom ng lambanog.

Nangako din ito ng tulong sa lahat ng biktkma ng pagkakalason.

Unang inihayag ni Aldwin Ceja ng Laguna Disaster Risk Reduction and Management Council na magkakahiwalay ang mga insidente at nagsimula nilang malaman ang mga ito alas-4 ng hapon ng Linggo.

Aniya ang mga pag inom ng lambanog ay sa mga pagtitipon na may kaugnayan sa Kapaskuhan.

Read more...