2 dayuhang biktima ng kidnapping, nasagip sa Sulu

Nasagip ang dalawang Indonesian na biktima ng kidnapping sa Panamao, Sulu Linggo ng umaga.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command, nasagip ng 4th Marine Brigade ang dalawang biktima makaraang maka-engkwentro ng ilang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Nakilala ang dalawang biktima na sina Maharudin Lunani at Samion Bin Maniue.

Samantala, patuloy naman ang operasyon ng militar para masagip ang isa pang Indonesian.

Na-kidnap ang tatlong biktima malapit sa Sabah noong buwan ng Setyembre.

Read more...