Libu-libong Angkas rider, nagkasa ng kilos-protesta para tutulan ang 10,000-biker limit

By Angellic Jordan December 22, 2019 - 03:12 PM

Maagang nagtipun-tipon ang libu-libong rider ng motorcycle ridesharing company na Angkas sa Edsa Kalayaan Shrine sa Quezon City, Linggo ng umaga.

Nakasuot ang mga Angkas rider ng kanilang asul at itim na uniporme sa pakikiisa sa kilos-protesta na tinawag nilang #SaveAngkas Unity Gathering.

Ito ay para ipahiwatig ang kanilang pagtutol sa planong pagpapatupad ng 10,000-biker limit sa kada transport network company (TNC) para sa pagpapalawig ng pilot run ng motorcycle taxis nang tatlong buwan.

Sa nasabing desisyon, bibigyan na lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tatlong operator ng 39,000 registered bikers kung saan 10,000 bikers sa kada TNC sa Metro Manila habang 3,000 bikers naman sa kada TNC sa Metro Cebu.

Tinutulan ito ng Angkas dahil aabot sa 17,000 riders ang maaapektuhan ang kanilang hanapbuhay.

Sa ngayon kasi mayroong 27,000 riders ang kumpanya.

Samantala, dumating si Senator Imee Marcos sa kilos-protesta para iparating ang kaniyang suporta sa Angkas riders.


Todo-suporta rin ang ilang netizens sa social media.

TAGS: Angkas, Angkas riders, SaveAngkas Unity Gathering, Sen. Imee Marcos, Angkas, Angkas riders, SaveAngkas Unity Gathering, Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.