Mga ahensya ng pamahalaan pinarangalan sa kanilang 99% eFOI rating
Pinarangalan ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng National Telecommunications Commission (NTC), Metro Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Customs (BOC), Department of Foreign Affairs, National Housing Authority (NHA), Malacanang Records Office (MRO), Philippine Statistics Authority (PSA), National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), Housing and Land Use Bureau (HLURB), Department of Justice (DOJ) at ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay dahil sa 99 percent electronic Freedom of Information o eFOI performance rating ng mga ahensya ng gobyerno.
Mismong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang nagpresinta ng eFOI awards kasabay nang pagpupugay sa pagsusumikap ng mga ahensiya ng gobyerno, non-government organizations at kanilang mga tauhan dahil sa pagsusulong ng freedom of information at paglaban sa misinformation o mga maling impormasyon.
Ang mga nabanggit na ahensiya ay nakakuha ng 99% outstanding performance rate sa electronic freedom of information portal (eFOI).
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Andanar, “Proliferation of false news corrupts state-people relations, and delays if not obliterates development, while dissemination of accurate information empowers the people, connects them to the government through the rebuilding of trust, which, in turn, inspires progress.”
Ang PCOO ay nagpalabas ng FOI Memorandum Circular 02 s. 2019 kung saan ipinunto ang tatlong major criteria- ang timeliness, efficiency, at quality- sa pagbibigay ng marka sa bawat ahensiya na na papabilang sa eFOI portal.
2017 nang simulan ang FOI Awards kasunod nang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa E.O. No. 02 noong 2016.
Samantala, ngayong taon na ito ay ang kauna-unahan kung saan maging ang mga outstanding FOI officers ay binigyan din ng pagkilala dahil sa kanilang katangi-tanging kontribusyon sa FOI program’s progress and development.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.