Trough ng LPA nagpapaulan sa ilang bahagi ng VisMin; bagyo sa labas ng PAR papasok sa Lunes
Dalawang weather systems ang binabantayan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, isang low pressure area (LPA) ang nasa loob ng PAR at ngayo’y nasa layong 505 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mababa ang tyansa na maging bagyo ang naturang LPA.
Gayunman, nagdadala ang trough nito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Caraga, Davao Region at Eastern Visayas.
Samantala, isang tropical depression ang nasa labas ng PAR at huling namataan sa layong 2,115 kilometro Silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 km kada oras.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 km bawat oras.
Posible itong pumasok ng PAR sa Lunes.
Samantala, nagdadala ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa, maalinsangang panahon na na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Walang nakataas na gale saanmang baybaying dagat ng bansa kaya ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.