M4.3 at M4.7 na lindol yumanig sa Davao del Sur
Dalawang malakas na lindol ang tumama sa Davao del Sur sa loob lamang ng halos isang oras.
Ayon sa Phivolcs, alas-11:45 ng gabi nang maitala ang magnitude 4.3 na lindol sa layong anim na kilometro Hilagang-Kanluran ng Kiblawan, Davao del Sur.
May lalim itong 13 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani at Kidapawan City at Instrumental Intensity I sa Tupi, South Cotabato.
Alas-12:55 naman ng Sabado ng madaling-araw nang yumanig ang mas malakas na magnitude 4.7.
Ang episentro ay sa layong pitong kilometro Timog-Kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Kidapawan City, Instrumental Intensity II sa Tupi, South Cotabato at Instrumental Intensity I sa Alabel, Sarangani.
Ang mga pagyanig ay aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol noong Linggo.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.