Pastor Quiboloy kinasuhan ng rape, child abuse at human trafficking

By Rhommel Balasbas December 21, 2019 - 12:01 AM

Sinampahan si Pastor Apollo C. Quiboloy kasama ang apat na iba pa ng kasong rape, child abuse at forced labor ng dating miyembro ng pinamumunuang Kingdom of Jesus Christ (KJC).

Ipinag-utos ng Davao City Prosecutor’s Office kahapon, araw ng Biyernes kay Quiboloy at kina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Ca­nada, at Sylvia Cemañes na sagutin sa loob ng 10 araw ang reklamo ng 22-anyos na si Blenda Sanchez Portugal.

Ayon kay Portugal, ipinakilala siya kay Quiboloy ng kanyang ama, na dating miyembro ng KJC noong siya ay 10 taong gulang pa lamang.

Naganap umano ang panggagahasa ni Quiboloy sa kanya noong 2014, habang siya ay 17 taong gulang pa lamang at iskolar ng religious leader.

Sa press briefing naman ni Atty. Isarelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, sinabi nito walang basehan ang mga akusasyon ng babae.

Sinampahan anya ni Quiboloy ng kasong libel ang naturang babae noong October 2010 dahil sa mga paninira nito.

Ayon pa kay Torreon, may inilabas nang warrant of arrest laban kay Portugal nitong April 2019.

Nanawagan ang abugado na huwag munang husgahan si Quiboloy dahil totoo ito sa kanyang misyon.

Bahagi anya ito ng ‘grand conspiracy’ para pabagsakin ang nagpakilalang ‘Appointed Son of God’.

TAGS: accused of rape, Appointed Son of God, Child Abuse, forced labor, Kingdom of Jesus Christ (KJC), Pastor Apollo C. Quiboloy, accused of rape, Appointed Son of God, Child Abuse, forced labor, Kingdom of Jesus Christ (KJC), Pastor Apollo C. Quiboloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.