Resolusyon para sa pagpapatuloy ng peace talks inihain ng mahigit 100 kongresista

By Erwin Aguilon December 20, 2019 - 08:51 PM

Isangdaan at tatlumpu’t isang miyembro ng Kamara ang naghain ng House Resolution 636 para sa agarang resumption ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang naturang resolusyon ay malakas na mensahe ng suporta mula sa mga kongresista para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

Kabilang sa mga lumagda sa resolusyon ay sina Deputy Speakers Boyet Gonzales, LRay Villafuerte, Loren Legarda, Evelina Escudero, Johnny Pimentel, Eddie Villanueva at Mikee Romero.

Nagbabala naman si Zarate laban sa mga nagtatangkang isabotahe ang pagbuhay sa negosasyon.

Sabi ng kongresista, hindi talaga titigil ang mga kontra sa kapayapaan sa pagdiskaril sa peace negotiations.

Patunay anya rito ang pagtatakda ng mga kondisyon bago ang usapan at pagbibigay ng tinawag nitong “militarist statements”.

TAGS: House resolution, Inquirer News, National Democratic Front of the Philippines, peace talks, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House resolution, Inquirer News, National Democratic Front of the Philippines, peace talks, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.