70 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 08:06 PM

Aabot sa 50 mga bahay ang nasunog sa Sitio Lourdes, Barangay Inayawan sa Cebu City.

Naganap ang sunog, Biyernes, Dec. 20 ng hapon.

Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro, aabot sa 70 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog at aabot sa P100,000 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Nagsimula ang sunog alas 4:37 ng hapon sa bahay na pag-aari ng mag-asawang Joseph at Clarissa Bonghanoy.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog bago maideklarang under control alas 5:20 ng hapon.

Inaalam pa ng fire bureau kung ano ang pinagmulan ng apoy dahil walang tao sa bahay nang mangyari ang sunog.

TAGS: Cebu City, fire incident, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cebu City, fire incident, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.