Sa kanilang Facebook Page, hinimok ng JoyRide ang mga rider na gustong maging registered bikers nila na magparehistro na.
Sinabi ng JoyRide na ang mga magpaparehistro ay dadaan sa motorcycle check, skills assessment at may pagdadaanan ding lecture.
Paalala naman ng JoyRide sa mga rider, hindi lang hanapbuhay ang kanilang aaplayan kundi isang misyon.
Maging ang provider na “Move It” ay nag-anyaya na din ng mga rider na nais maging bahagi ng kanilang motorcycle taxi operation.
Bago ang pasya ng Technical Working Group (TWG) on Motorcycle (MC) Taxis, ang Move It ay nag-ooperate pero sa pagde-deliver lamang ng mga parcel.
READ NEXT
Pilot implementation ng motorcycle taxis pinalawig ng LTFRB; 2 bagong players bibiyahe gaya ng Angkas
MOST READ
LATEST STORIES