Bagong Motorcycle Taxi providers nagsimula nang magparehistro ng riders
Nagsimula nang tumanggap ng aplikante ang dalawang bagong Motorcycle Taxi providers na JoyRide at Move.
Sa kanilang Facebook Page, hinimok ng JoyRide ang mga rider na gustong maging registered bikers nila na magparehistro na.
Sinabi ng JoyRide na ang mga magpaparehistro ay dadaan sa motorcycle check, skills assessment at may pagdadaanan ding lecture.
Paalala naman ng JoyRide sa mga rider, hindi lang hanapbuhay ang kanilang aaplayan kundi isang misyon.
Maging ang provider na “Move It” ay nag-anyaya na din ng mga rider na nais maging bahagi ng kanilang motorcycle taxi operation.
Bago ang pasya ng Technical Working Group (TWG) on Motorcycle (MC) Taxis, ang Move It ay nag-ooperate pero sa pagde-deliver lamang ng mga parcel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.