Kinukuwestyon ni dating Central Luzon Provincial Director Chief Superintendent Raul Petrasanta ang timing ng kautusan ng Ombudsman na nagpapatalsik sa kanila sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Ayon sa abugado ni Petrasanta na si Atty. Alex Avisado, Jr., sinadyang ilabas ng Ombudsman ang nasabing kautusan upang madiskaril ang appointment nito bilang susunod na PNP Chief.
Si Petrasanta ang sinasabing isa sa mga matunog na papalit kay outgoing PNP OIC Leonardo Espina sa oras na ito’y magretiro ngayong buwang ito.
Gayunman, inilabas aniya ang naturang utos ilang araw bago magtapos ang suspension order laban dito sa Hulyo a-singko.
Giit ni Avisado, kanilang iaapela ang naturang desisyon sa lalong madaling panahon. / Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.