Ayon sa PAGASA, isa nang tropical depression ang LPA na huling namataan sa layong 2,370 kilometers east ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour at direksyong west northwest.
Sa Martes o Miyerkules ay inaasahang papasok ito sa bansa at papangalan itong “Ursula”.
Maari itong magpaulan sa Visayas at Mindanao.
Samantala, isa pang LPA ang binabantayan ng PAGASA na nasa loob naman ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 605 kilometers ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Pero ayon sa PAGASA, maliit naman na ang tsansa na mabuo ito bilang isang ganap na bagyo.