Balasahan sa COMELEC, ipinatupad

 

Inquirer file photo

Nagpatupad ng balasahan ang Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang key officials at field personnel kabilang ang mga regional director bunsod ng nalalapit na May 9 elections.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, base sa memorandum order na may petsang January 8, kailangan magpatupad ng pansamantalang balasahan sa mga assignments ng field officials ng ahensiya para sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Kabilang sa mga inilipat ay si National Capital Region Director Jubil Surmieda na pansamantalang napunta sa bicol bilang kapalit ni Romeo Fortes.

Naging kapalit naman ni Surmieda sa NCR si Central Luzon Director Temie Lambino habang si Fortes ay inilipat naman sa CALABARZON bilang kapalit ni Juanito Icaro na nasa Central Luzon na.

Pansamantala namang itinalaga bilang bagong Regional Executive Director ng MIMAROPA si Director Jerbee Anthony Cortez.

Paliwanag ni Bautista, ang pagpapatupad ng balasahan ay may layong mabura ang mga posibleng akusasyon ng pagiging bias sa hanay ng mga opisyal ng ahensiya. Sinabi rin ni Bautista na epektibo na mula noon pang January 9 hanggang June8, 2016 ang ipinatupad na balasahan sa mga opisyal ng COMELEC.

Read more...