Pasok sa trabaho sa Civil Service Commission suspendido na sa Lunes, Dec. 23
Sinuspinde na ang pasok sa Civil Service Commission (CSC) sa Lunes, December 23.
Sakop ng suspensyon ang central office at lahat ng regional offices ng CSC.
Nakasaad sa kautusan na ito ay para mabigyang pagkakataon ang kanilang mga opisyal at empleyado na ipagdiwang ang holidays kasama ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.
Nakasaad naman sa abiso na ang mahahalagang aktibidad gaya ng naka-schedule na pulong sa ibang government agencies ay hindi makakansela bunsod ng suspensyon ng pasok sa trabaho.
Babalik ang operasyon sa CSC sa Huwebes, Dec. 26, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.