NCRPO magtatalaga ng hanggang 1,000 sa MMFF Parade of the Stars

Aavit sa 700 hanggang 1,000 tauhan ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga rutang daraanan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of the Stars.

Gaganapin ang parada sa Linggo, December 22, 2019.

Ayon kay NCRPO acting director Brig. Gen. Debold Sinas, nakipag-ugnayan na ang sila sa mga facilitator ng parada.

Ang Taguig City ang host ng Parade of the Stars ngayong taon na katatampukan ng mga float ng walong pelikulang kalahok sa festival.

Magsisimula ng ala 1:00 ng hapon ang parada at tatagal hanggang alas 7:00 ng gabi.

Read more...