Saku-sakong white rice galing Vietnam nakumpiska sa Port of Cebu
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cebu ang 10 containers na puno ng white rice galing Vietnam.
Naka-consign sa Sagetics Enterprises ang kargamento at dumating sa Cebu Port noong Nov. 12, 2019.
Isinailalim sa pagsusuri ni Customs Examiner Marc Henry Tan ang shipment kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture Compliance and Regulatory Enforcement for Security and Trade Office (CREST), Bureau of Plant and Industry (BPI), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nang masuri, lima mula sa sampung containers ang ang nagtataglay ng super malagkit na hindi idineklara ng tama.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa mga kargamento dahil sa intentional misdeclaration sa ilalim ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Tinatayang aabot sa P8,928,741 ang halaga ng kargamento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.