LRT-1 magpapatupad ng temporary passenger traffic sa susunod na taon

Magpapatupad ng temporary passenger traffic sa LRT-1 sa susunod na taon.

Gagawin ito sa Monumento, Balintawak at Roosevelt Stations simula sa January 4, 2020 hanggang March 31, 2020.

Ito ay para bigyang daan ang konstruksyon ng Common Station o ang Unified Grand Central Station (UGCS).

Ang common station ang magkukunekta sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7.

Sa ilalim ng pansamantalang traffic scheme, magkakaroon ng dalawang opsyon ang mga pasaherong pa-northbound, una ay ang Baclaran to Monumento Circuit, ikalawa ay Baclaran to Balintawak Circuit.

Payo ng LRT-1 kung Roosevelt Station ang last train stop ng mga pasahero, mas maiging sumakay sila sa Baclaran to Balintawak Circuit.

Mula Balintawak Station ay mayroong shuttle train na kada sampung minuto ay bibiyahe para magsakay ng mga pasahero patungong Roosevelt.

Ang mga pasahero na nasa Roosevelt naman ay isasakay din ng shuttle train patungo ng Balintawak Station.

Ang Baclaran to Monumento Circuit naman ay para masiguro na hindi magkakaroon ng build-up ng pasahero lalo pa at ang Monumento ang second busiest station ng LRT-1.

Read more...