WATCH: Mariah Carey may bagong music video ng kantang “All I Want For Christmas Is You”

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 03:04 PM

Sa 25th anniversary ng sikat na Christmas Song na “AllI want for Christmas” nag-release ng bagong music video ng kanta si Mariah Carey.

Ngayong araw, Dec. 20 nag-premiere sa YouTube ang bagong music video.

Wala pang dalawang oras mula nang i-release ang bagong music video umabot agad sa halos 200,000a ang views nito.

Sa simula ng kanta ay makikita ang isang bata na minamasdan ang mga laruan sa isang tindahan bago siya tuluyang mapunta sa mistulang isang lugar kung saan ang mga laruan ay naging totoo.

Gaya naman ng original music video noong 1994, makikita din si Mariahsa bagyong music video na nakasuot ng Santa costume.

Kamakailan, muling nag-number 1 sa Billboard chart ang “All I Want For Christmas Is You”.

Unang pagkakataon itong nanguna sa Billboard chart ang naturang kanta mula nang i-release ito taong 1994.

TAGS: AllI want for Christmas, Inquirer News, Mariah Carey, new music video, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, AllI want for Christmas, Inquirer News, Mariah Carey, new music video, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.