Tulong ng AFP hihingin ng PNP sa pagtugis sa 80 pang akusado sa Maguindanao Massacre

Hihingi ng tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para madakip ang 80 pang nawawalang akusado sa Maguindanao Massacre.

Ayon kay PNP Spokesman B/ Gen. Bernard Banac, maliban sa AFP ay hihilingin din nila ang tulong ng iba pang law enforcement agencies.

Simula noon ayon kay Banac ay nagtuloy-tuloy naman ang pagtugis ng PNP sa mga nawawalang akusado.

Pero ani Banac, halos wala silang impormasyon na nakukuha hinggil sa kung saan nagtatago ang mga ito.

Kabilang sa posibilidad ani Banac ay maaring nagpalit na ng identity ang mga akusado o kaya ay may nagkakanlong sa mga ito.

Read more...