Apela na ihahain ni Andal Ampatuan Jr, kokontrahin ng DOJ

By Ricky Brozas December 20, 2019 - 11:45 AM

Inaasahan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iaapela ng kampo ni Datu Andal Ampatuan Jr. ang hatol na guilty ng korte kaugnay sa Maguindanao massacre case.

Sinabi ni Guevarra na ito naman kasi ay karapatan ng sinuman na kwestyunin ang anumang hatol ng hukuman na hindi paborable sa kanya at ito ay nakasaad naman sa Saligang Batas.

Gayunman ay tiniyak ng kalihim na kapag naisumite na ni Andal Jr. ang kanyang apela ay maghahain naman ng oposisyon ang DOJ para kontrahin o tutulan ito.

Magugunitang kahapon ay ipinataw ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes ang guilty verdict sa ilang mga Ampatuan at iba pa, dahil sa pagpatay sa 57 katao kabilang na ang 31 mamamahayag noong November 23, 2009.

TAGS: Datu Andal Ampatuan Jr., DOJ, maguindanao massacre, Quezon City Regional Trial Court, Datu Andal Ampatuan Jr., DOJ, maguindanao massacre, Quezon City Regional Trial Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.