Sa House Bill 5812 na inihain ni Campos sa Kamara, mula sa kasalukuyang MDIC na P500,000 ay dapat gawin itong P1 Million per depositor sa bawat bangko.
Aamyendahan ng panukala ang charter ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na siyang nagtatakda ng MDIC.
Ayon kay Campos, sa panahon ngayon at sa mga nagtataasang presyo ay dapat lamang na itaas na ang insurance protection ng mga bank depositors.
Paraan din aniya ito para mahikayat pa lalo ang mga Pilipino na patuloy na magdeposito at gumamit ng bangko.
Tinukoy pa ni Campos ang tumataas na bilang ng mga pamilyang kabilang sa middle class.
Noong 2017, ilang daang libong bank depositors din ang naapektuhan ng pagsasara ng 41 bangko na karamihan ay mga rural lenders.