Judge Jocelyn Solis-Reyes karapat-dapat maging mahistrado ng SC – Makabayan bloc

By Erwin Aguilon December 20, 2019 - 10:43 AM

Naniniwala ang Makabayan bloc sa Kamara na dapat mabigyan ng posisyon sa Supreme Court si Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Ayon kay Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, mas karapat-dapat sa Korte Suprema si Solis-Reyes dahil sa kanyang katapangan na hawakan ang kaso ng Maguindanao Massacre hanggang sa huli kesa sa mga political o partisan na mahistrado.

Pinuri naman ni ACT Teachers Rep. France Castro ang tapang ng hukom na humawak sa Maguindanao Massacre Case.

Sabi ni Castro, kahit napaka high profile ng kaso at maaring mabuwis ang kanyang buhay at maging panganib sa kanyang omilya ay buong tapang itong hinarap ni Solis-Reyes.

Kahit naibaba na ang hatol sinabi ng Makabayan bloc na kailangan pa ring mapgbantay dahil sasailalim sa automatic review ng Supreme Court ang pasya ng mababang korte dahil sa reclusion perpetua na parusa sa mga akusado.

TAGS: Inquirer News, judge jocelyn solis reyes, PH news, Philippine breaking news, Quezon City RTC, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, judge jocelyn solis reyes, PH news, Philippine breaking news, Quezon City RTC, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.