Number coding sa provincial buses suspendido simula sa Lunes, Dec. 23

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 10:14 AM

Ilang araw na sususpindehin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding sa mga provincial bus.

Ito ay para masiguro na may sapat na bilang ng pamasaherong bus na bibiyahe sa mga lalawigan para sa mga pasaherong uuwi ngayong Holiday Season.

Sa memorandum ng MMDA, suspendido ang number coding sa lahat ng provincial buses sa sumusunod na mga petsa:

December 23 (Lunes)
December 24 (Martes)
December 26 (Huwebes)
December 27 (Biyernes)
December 31 (Martes)
January 2 (Huwebes)

Automatic namang suspendido ang pag-iral ng number coding sa lahat ng pampubliko at paribadong sasakyan sa mga petsang idineklarang regular holiday gaya ng :

December 25 (Miyerkules, araw ng Pasko)
December 30 (Lunes, Rizal Day)
January 1 (Miyerkules, Bagong Taon)

Inabisuhan na ng MMDA ang lahat ng enforcement units na papayagan ang pagbiyahe ng provincial buses sa nasabing mga petsa kahit sila ay coding.

TAGS: Christmas Season, Holiday Season, Inquirer News, mmda, number coding suspension, PH news, Philippine breaking news, provincial buses, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Christmas Season, Holiday Season, Inquirer News, mmda, number coding suspension, PH news, Philippine breaking news, provincial buses, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.