Van na may sakay na mga estudyante sa Mandaue City bumangga sa military truck, 3 ang sugatan

Sugatan ang tatlong katao nang bumangga ang isang van sa siang military truck sa Mandaue City.

Patungo sa Christmas party sa isang private school ang mga estudyante at kanilang magulang sakay ng van nang mangyari ang aksidente alas 6:30 ng umaga ng Biyernes, Dec. 20.

Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaligtad ang van.

Dinala sa ospital ang driver ng van na si Romero Aurellos, 51 anyos habang dalawang estudyante na sakay nito ang sugatan din.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mabolo police, kapwa mabilis ang andar ng dalawang sasakyan.

Ayon kay Police Staff Sargeant Mark Lester Calib-og – traffic police, ang military truck ay minamaneho ni Staff Sargeant Andres Rumbines na sinubukan namang pumpreno pero tinamaan pa rin ang likuran bahagi ng van.

Ang military truck ay may lulang mga sundalo na itinalaga sa Basilica Minore del Santo Niño para magbantay sa seguridad sa Misa de Gallo at pabalik na sana sa Camp Lapulapu sa Barangay Apas.

Read more...