Offshore Patrol Vessel na binili ng Pilipinas sa France parating na sa bansa
Parating na sa bansa ang isang Offshore Patrol Vessel na binili ng Pilipinas sa France.
Sa December 30 nakatakdang umalis ng France ang barko at darating ito sa Pilipinas sa February 10, 2020.
Pinangunahan ni Philippine Ambassador to France Ma. Theresa Lazaro ang Philippine contingent sa isinagawang Change of Flag
Ceremony para sa 83-Meter Offshore Patrol Vessel (OPV).
Present din sa Change of Flag ceremony ang 35 tauhan ng coast guard.
Noong nakaraang buwan nang aprubahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Provisional Acceptance sa naturang OPV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.