Oplan Isnabero ng LTFRB ipatutupad na mula ngayong araw
By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 08:25 AM
Muling binuhay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang “Oplan Isnabero” nito ngayong holiday season.
Simula ngayong araw, December 20 hanggang sa January 3, 2020, paiigtingin ng LTFRB ang operasyon laban sa mga isnaberong driver.
Layon ng “Oplan Isnabero” na protektahan ang mga pasahero mula sa mga mapili at nang-iisnab na driver ng taxi.
Para sa mga may reklamo sa mga isnaberong taxi driver, maaring tumawag sa hotline ng DOTR na 87908300 at 87908400 at sa LTFRB hotline na 1324.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.