Yate ng Latin singer na si Marc Anthony, nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 08:03 AM

Tinupok ng apoy ang isang yate na pag-aari ng Latin singer na si Marc Anthony na nakadaong sa Miami bay.

Ayon sa Miami fire department, inabot ng dalawang oras bago tuluyang maapula ang apoy.

Hindi na naisalba pa ang yate at hindi na mapapakinabangan pa.

Nagawa namang maisalba ang dalawang crew na lulan ng Yate na “Andiamo”.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at wala naman nang nadamay na iba pang kalapit na yate.

Ayon sa celebrity website na TMZ, ang yate ay nagkakahalaga ng $7 million. Mayroon itong 5 cabins at sleeping accommodations para sa 12 katao.

 

TAGS: Andiamo, Inquirer News, Marc Anthony, Miami bay, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Andiamo, Inquirer News, Marc Anthony, Miami bay, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.