8-anyos na si Ryan Kaji, itinanghal na “highest-earning YouTuber” ng Forbes

Sa ikalawang pagkakataon itinanghal na “highest-earning YouTuber” ang 8-anyos na batang Vlogger na si Ryan Kaji.

Nanguna sa Highest Paid YouTube Stars of 2019 ng Forbes si Ryan ng Ryan’s World na tanyag sa kaniyang mga toy review.

Ayon sa Forbes, para sa taong 2019, kumita si Ryan ng $26 million, mas mataaspa ng $4 million kumpara sa kinita niya noong 2018.

Sumusunod kay Ryan sa listahan ang YouTube channel na “Dude Perfect” na kumita ng $20 million.

Ang YouTube Channel ni Ryan ay mayroong 23 million subscribers.

Nasa ikatlong pwesto naman ng Highest Paid YouTube Stars of 2019 ang 5 taong gulang na Russian na si Anastasia Radzinskaya.

Taong 2018 lang nang magsimulang umabot ng milyun-milyon ang views sa mga video ni Anastasia.

Sa ngayon ay mayroon na siyang 107 million subcribers sa kaniyang pitong YouTube channels.

Read more...