2 pang bumbero nasawi sa kasagsagan ng bushfire sa Australia

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 07:22 AM

Dalawang bumbero pa sa Australia ang nasawi habang patuloy na inaapula ang sunog sa Sydney.

Patungo sa lugar ng sunog ang truck ng bumbero para tumulong sa pag-apula ng apoy nang bumangga ito sa puno at bumaligtad na ikinsawi ng driver at nasa harapang pasahero.

Tatlong iba pang bumbero ang nasugatan sa South Sydney.

Kamakailan, mayroon nang tatlong nasawing bumbero habang inaapula ang bushfires sa New South Wales.

Inanunsyo naman ni Prime Minister Scott Morrison na agad siyang babalik ng Sydney at hindi na tatapusin ang kaniyang bakasyon.

Ayon kay Morrison, natapat na siya ay naka-leave at nagbabakasyon kasama ang pamilya nang magsimula ang bushfire.

Dahil dito, paiiksiin na niya ang bakasyon upang madamayan ang mga apektadong pamilya.

Una rito ay napaulat na nasa Hawaii si Morrison dahilan para magprotesta ang ilang grupo sa labas ng kaniyang official residence sa Sydney.

 

TAGS: Australia, bushfire, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sydney, Tagalog breaking news, tagalog news website, Australia, bushfire, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sydney, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.