Mahigit 30,000 pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa bansa sa magdamag
Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ang Philippine Coast Guard ng mahigit 30,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan.
Sa monitoring ng coast guard sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, mula alas 6:01 ng gabi hanggang alas 11:59 ng gabi ng Huwebes (Dec. 19) ay nakapagtala ng outbound passengers na 34,507.
Ang Central Visayas ang nakapagtala ng may pinakamaraming bumiyaheng pasahero na umabot sa 9,666 partikular sa mga pantalan sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol at Southern Cebu.
Narito ang bilang ng mga pasahero na naitala sa iba’t ibang pantalan sa bansa:
1. National Capital Region – 466
• Pasig – 251
• Bataan – 293
• Laguna de Bay – 215
2. Central Visayas – 9,666
• Cebu -6,654
• Eastern Bohol – 745
• Western Bohol – 1,249
• Southern Cebu – 1,018
3. South Western Mindanao – 2,830
• Zamboanga – 1,320
• Basilan – 19
• Sulu – 472
• Central Tawi-Tawi – 1,019
4. Palawan – 874
• Puerto Princesa – 718
• Coron – 156
5. Southern Tagalog – 4,458
• Batangas – 2,345
• Oriental Mindoro – 134
• Southern Quezon – 500
• Occidental Mindoro – 245
• Romblon – 1,234
6. Western Visayas – 5,918
• Antique – 158
• Aklan – 2,646
• Iloilo – 2,301
• Guimaras – 813
7. Eastern Mindanao – 3,122
• Davao – 3,040
• Gensan – 82
8. Bicol – 3,494
• Sorsogon – 2,679
• Camarines Sur – 115
• Masbate – 700
9. Northern Mindanao – 822
• Surigao del Norte – 62
• Misamis Occidental – 221
• Siargao – 7
• Lanao del Norte – 236
• Agusan del Norte – 219
• Dinagat – 5
• Zamboanga del Norte – 25
• Camiguin – 47
10. Eastern Visayas – 271
• Western Leyte – 71
• Southern Leyte – 88
• Northern Samar – 112
11. Southern Visayas – 1,586
• Negros Oriental – 655
• Negros Occidental – 1,350
• Siquijor – 581
Tiniyak ng coast guard na patuloy na mahigpit na magbabantay sa mga pantalan ngayong Christmas season para masiguro ang zero maritime casualty o incident.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.