Water level ng Angat dam muling nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes (Dec. 20) nasa 197.81 meters na ang antas ng tubig ng dam.

Bagaman patuloy sa pagtaas ay higit pa rin itong mababa sa normal high water level ng dam na 212 meters.

Wala namang pagbabago sa antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101 meters, habang bahagyang nabawasan ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 77.61 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao dam.

Habang nabawasan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon.

Read more...