2 patay, marami ang sugatan sa karambola ng 20 sasakyan sa Pennsylvania

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 06:45 AM

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang maraming iba pa nang magkarambola ang tinatayang aabot sa 20 sasakyan sa central Pennsylvania.

Ilang oras ang inabot bago mabuksan ng tuluyan sa mga motorista ang naapektuhang kalsada dahil sa dami ng sasakyang kailangang alisin.

Nangyari ang aksidente ala 1:00 ng hapon ng Miyerkules oras sa Pennsylvania sa bahagi ng White Deer Township.

Madulas ang kalsada dahil sa snow.

Isa ang dead on the sport habang ang isa pa ay nasawi sa ospital.

Sa Evangelical Community Hospital sa Lewisburg, umabot sa 37 ang dinalang sugatan.

Sa Geisinger Medical Center mayroong 9 na sugatan na dinala.

Karamihan sa mga sangkot na sasakyan ay pawang trailer at delivery trucks.

TAGS: accident, central Pennsylvania, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, two dead, accident, central Pennsylvania, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, two dead

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.