Tiniyak ng US Congress na itataas nito ang minimum age na papayagang makabili ng sigarilyo at e-cigarettes.
Mula sa kasalukuyang 18 ay gagawin nang 21 ang purchase age ng sigarilyo at e-cigarettes sa buong bansa.
Magiging epektibo ito sa susunod na taon.
Ang minimum age na 21 sa pagbili ng sigarilyo at e-cigarettes ay umiiral na ngayon sa 19 mula sa 50 ng mga estado sa US kabilang ang Washington.
Ang pagpapataas ng purchase age sa sigarilyo ay nasa ilalim ng Tobacco Free Youth Act na layong ilayo sa bisyo ang mga kabataaan.
Sa ngayon, 21 anyos na ang purchase age para sa lahat ng uri ng alak sa US.
Base sa isinagawang pag-aaral ng pamahalaan, 28 percent ng mga mag-aaral sa senior high school ang gumagamit na ng vape.
Higit na mas mataas sa 11 percent lang noong 2016.
Â