17 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa NLEX

Screengrab from Enujarm Senabar’s video

Hindi bababa sa 17 ang sugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) southbound malapit sa Sta. Rita exit, Huwebes ng gabi.

Lubhang napinsala sa banggaan ang isang UV express na may sakay na 22 katao gayong ang kapasidad lamang nito ay 18.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na bumagal ang takbo ng pickup at sports utility vehicle (SUV) na nasa harapan ng UV Express kaya nagkabanggaan.

Basag ang windshield ng UV Express at naipit ang driver nito na nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Bulacan Medical Center.

Kakasuhan ang driver ng UV Express ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property.

Read more...