Tuloy ang pagbibigay ng libreng balita ng ‘Inquirer Libre’ sa mga sumasakay sa LRT line 1.
Ito ang napagkasunduan sa pagitan ng Philippine Daily Inquirer at ng concessionaire na nag-ooperate ng LRT1 na Light Rail Manila Corp o LRMC.
Sa nilagdaang kasunduan, isang taon muling mamamahagi ng libreng kopya ng nangungunang ‘Inquirer Libre’ sa mga tumatangkilik ng LRT line 1, limang beses kada linggo.
Pinangunahan nina Inquirer CEO Sandy P. Romualdez at LRMC president and CEO Chito Francisco ang lagdaan ng panibagong kasunduan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Romualdez na muling maseserbisyuhan ang publiko sa pamamagitan ng naturang paghahatid ng balita sa ilalim ng proyekto.
Ayon naman kay Franciso, magpapatuloy ang adbokasiya ng LRMC na pagbibigay ng impormasyon at katiyakan na magiging ligtas ang mga sumasakay ng tren sa lahat ng oras at pagkakataon.
Ang LRMC ay joint venture ng Metro Pacific Light Rail Corporation (MPLRC) ng Metro Pacific Investments Corp., AC Infrastructure Holdings Corp. (AC Infra) ng Ayala Corp., at ng Macquarie Infrastructure Holdings PTE Ltd ng Philippine Investment Alliance for Infrastructure.
September 2015 nang simulan ng LRMC ang operasyon ng LRT Line 1 na dati ay inooperate ng Light Rail Transit Authority at DOTC.
Ang Inquirer Libre ang nangungunang libreng pahayagan na ipinamamahagi sa lahat ng terminal ng LRT 1, Line 2 at MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.