Pamilya ng ika-58 biktima ng Maguindanao massacre nananawagan pa rin ng hustisya

By Rhommel Balasbas December 20, 2019 - 01:32 AM

Naibigay na ang hustisya sa karamihan sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, kahapon, December 19, pero isang pamilya pa rin ang nagdadalamhati.

Ito ay matapos mapawalang-sala ang mga akusado sa pagkamatay ng photojournalist na si Reynaldo ‘Bebot’ Momay, ang ika-58 biktima ng masaker.

Ayon sa korte, hindi naman kasi natagpuan ang katawan ni Momay sa mass grave na pinaglibingan sa mga biktima.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, inihayag ni Ma. Reynafe Castillo, anak ni Momay, ang pagkadismaya sa naging desisyon ng korte.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang katawan ng photojournalist.

“The only trace we found of Reynaldo ‘Bebot’ Momay at the massacre site was a set of dentures. There was no body, no corpus delicti,” ayon kay Romel Bagares ng Center for International Law (CenterLaw).

Ayon kay Castillo, hindi sila susuko sa kaso ng kanyang ama.

TAGS: acquitted, justice not served yet, Maguindanao massacre case, Reynaldo ‘Bebot’ Momay, acquitted, justice not served yet, Maguindanao massacre case, Reynaldo ‘Bebot’ Momay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.