2 patay, 15 sugatan matapos mabangga ng tren ng PNR ang van sa Camarines Sur

By Angellic Jordan December 19, 2019 - 06:21 PM

Nasawi ang isang guro at 12-anyos na lalaki makaraang mabangga ng tren ng Philippine National Railway (PNR) ang isang pampasaherong van sa Libmanan, Camarines Sur Huwebes ng umaga.

Batay sa larawang kuha ni Patchoy Bulaong, makikitang nayupi ang ilang parte ng van dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng tren.

Sa isang panayam kay Staff Sergeant Emy Rose Organis, tagapagsalita ng Libmanan police, kinilala ang nasawing biktima na sina Glenda Rabago, guro sa isang pampublikong paaralan, at Grade 6 student na si Jaime Victor.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Barangay Camambugan bandang 11:50 ng umaga.

Bunsod ng aksidente, nasa 15 katao aman ang nasugatan na sakay ng van na patungo sanang Naga City.

Agad namang naisugod ang mga sugatang pasahero sa Libmanan District Hospital at Naga City Hospital.

TAGS: camarines sur, Libmanan, PNR, camarines sur, Libmanan, PNR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.