Hatol sa Maguindanao massacre case, welcome sa CHR

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang guilty verdict sa ilang miyembro ng pamilya Ampatuan sa Maguindanao massacre.

Sa inilabas na pahayag, binati ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia ang pantay na paghawak ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa kaso base sa mga iprinisintang ebidensya at testimonya.

Sa ibinabang resolusyon sa kaso, sinabi ni de Guia na sumasalamin ang kanilang panawagan na manaig ang hustisya laban sa mga akusado sa mga kaso na nakakaapekto sa karapatang-pantao at dignidad.

Matatandaang nagpadala ang CHR ng sarili nitong mga imbestigador, abogado at forensic team para makatulong sa pag-iimbestiga sa karumal-dumal na krimen.

“While being a landmark decision, we steadily urge the government to ensure that every case of assault to the rights of Filipinos be met with the full force of the law towards addressing marks of impunity that continues to prevail,” dagdag pa ni de Guia.

Dapat din aniyang maging aral ito sa pagresolba sa kada kaso ng may urgency, mas mahigpit na proteksyon sa media, malayang pamamayahag, at pagtitiyak sa pagsasabuhay ng mga ahensya ng gobyerno na gawin ang kanilang obligasyon na protektahan ang karapatan ng bawat Filipino.

Umaasa rin si de Guia na ang hatol ay makakatulog para maibalik ang tiwala sa justice system ng bansa maging sa due process at rule of law sa bansa.

“May this verdict revive our faith in the justice system, as well as in the principles of due process and rule of law—further recognising that value of truth as our best defence against the many forms of abuses that threaten human dignity,” ani de Guia.

Nasa 58 katao ang nasawi sa karumal-dumal na krimen kung saan 32 rito ay mga mamamahayag.

Read more...