Magnitude 3.9 na lindol naitala sa Sulop, Davao Del Sur

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa 16 kilometers Southwest ng bayan ng Sulop, ala-1:56 Huwebes ng hapon (December 19).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang intensity 4 sa Malungon, Sarangani.

Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato at intensity 1 sa Kidapawan City.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...