Andal Jr., Zaldy at Anwar Ampatuan Sr., dinala na sa Bilibid
Naihatid na sa New Bilibid Prisons (NBP) ang mga hinatulang guilty sa Maguindanao massacre.
Sa hatol ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, convicted sina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr., dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr., Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan at iba pa sa 57 bilang ng kasong murder.
Ipinataw ng korte ang parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong sa mga akusadong napatunayang guilty.
Dinala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga Ampatuan sa NBP sakay ng ambulansya.
Sa isang panayam, nangako si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na hindi bibigyan ng special treatment ang mga Ampatuan sa Maximum Security Compound.
Matatandaang nasa 58 katao ang nasawi sa karumal-dumal na krimen kung saan 32 rito ay mga mamamahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.